In theme ang
pasasalamat ko sa aking exhibit. Isang listahan ng utang ng loob at pasasalamat
sa mga taong nagbigay ng oras at panahon para tumulong sakin.
Salamat kay Jay ng
Blanc Gallery sa pagkakataon na makapag exhibit ako sa kanyang gallery, yes,
that’s one thing off my bucket list. Sabi nga ni Sir Nuki, soloista nako.
Kay “Engineer” Pao na
kasama kong tumatawa, nakikinig ng music at nagpupuyat hanggang madaling araw,
minsan nakakatulog nako. Tumulong sa electrical at mga man stuff that I needed
to finish my pieces.
Kay Guia who helped me
put my thoughts together. Nicole who helped me clean the studio, ahem, linisin
ang banyo at mag floor wax ng mga sahig.
Kay Mao
(Paris,isdatchu?) sa paghanap ng studio ko (yes off the bucket list again), sa
pagtulong sa pagsulat ng pr, sa chika at sa pagpinta ng gray sa aking mga
laruan. Ang winner ng chika moments namin, pwede ko na ipa-frame.
Kay Sidd, nabasa nyo
ba ang bongzee na exhibit notes ko? Si Sidd ang nagsulat nun! Napapangiti daw
sila habang binabasa yun sabi ng mga tita ko at ibang kaibigan, ako, naiyak. Puno ng pagmamahal sabi nga.
Kay Bjorn (ang
heartthrob ng Maceda) na tumulong sakin gumawa, at may bitbit pang kasama lagi
para tumulong sakin. Sinama din kami ni
Bjorn sa masasarap na kainan sa kanyang turf (bagong salta lang ako) at sa
daming masasayang kwento tungkol sa buhay-buhay at mga AWESOME na bagay-bagay.
Kay Epjey, Don at Jigs
(na sinama ni Bjorn) sa pagsama sa jamming namin. Salamat nga pala kay Don sa
Mountain Dew na paborito nila ng kanyang irog.
Kay Pau, na hanggang
umagang naki-jam sakin, haha! Kailangan natin ulitin.
Kay Wesley, na kahit
injured ay nag ayos ng aking exhibit, sa inspirasyon (ubo!) at sa suporta (Crownd
cheer: kissing scene! Haha!).
Sa aking mga kaibigan
na pumunta nung opening at nagtetext sakin para mangamusta at magbigay ng
suporta, ang sarap lang. Maraming-maraming salamat!
Ang huli ay para sa
aking pamilya, na laging nandiyan para sakin at nagsisilbing inspirasyon ko sa
aking mga piyesa.
No comments:
Post a Comment