Friday, April 1, 2011

may mas hihigit pa ba sa salitang salamat?

ito ay mga katagang binanggit kanina ng isa sa mga mag-aaral na nagtapos ng kolehiyo kanina kasabay ng kapatid kong si gigi. kahit ako'y pupungapungas (alas-sinko palang gising na kami dahil ala-sais yung assembly) sa buong haba ng programa, masaya akong nakinig sa mga guro at estudyanteng punong-puno ng pag-asa at pasasalamat.

sa lahat ng nakwento at nabanngit na mga kataga, ang mga salitang yan ang naiwan sa akin. marahil dahil sa mga panahong iyon, sa tabi ng aking nanay naisip ko bigla kung sapat na ba pasalamat ko aking nanay na syang nagtrabaho, at nagpursigi para sa pag-aaral naming magkakapatid. naiiyak akong sumandal sa balikat ng nanay ko habang nakikinig sa programa at naramdaman kong tila pareho kami ng nadarama sa mga panaong iyon.

tapos na kaming magkakapatid mag-aral, graduate nadin ang nanay at tatay ko. may dalawa na akong katulong na magbalik ng pasasalamat sa aming mga magulang na nag-aruga at nagbigay ng lahat ng aming pangangailangan. 

wala nang ihahatid ang tatay ko sa eskwela (marahil sa simbahan na ang susunod na paghatid), wala nang mga gagawa ng project, magpapabili ng mga bagong p.e. uniform kay nanay, magpapabili ng pang exchange gift at pang regalo sa teacher, wala ng iyakan sa umaga dahil ayaw pumasok. mami-miss ko din yang mga eksenang yan pero kinikilig din akong isipin kung ano ang hinaharap para sa dalawa kong kapatid na sasabak na sa tunay na karera ng buhay.

may mas hihigit pa ba sa salitang salamat? ang tanong ng mag-aaral, at ang kanyang sagot, meron. at ang salitang ito ay pagmamahal.  
     

No comments:

Post a Comment